Sa Senior High may iba't ibang pinagpipilian ang bawat mag-aaral ABM, CSS, at GAS kung saan ang mag-aaral ay pumipili ng kurso na angkop sa kani-kanilang abilidad, kakayahan, hilig at kagustuhan.Pero ayon sa aking pagkakaalam mas marami ang kumukuha ng GAS at isa na ako doon. Sabi ng iba ang mga mag-aaral ng GAS ay ang mga taong undecided, walang patutunguhan at hindi alam ang gagawin sa buhay.
Noong una hindi ko alam kung bakit GAS at hindi ibang strand ang kinuha ko.Kahit pa marami ang nagsasabi na mahirap daw ito at hindi agad mapapakinabangan kapag nakatapos ka dito. Malawak ang sakop ng GAS, iba't ibang asignatura ang kailangan matutunan at hindi lang isa ang tinutukan. matindi ang mararanasan na susubukin ang bawat determinasyon ng karamihan.
Hindi pa man ako pumapasok pero pagka kaba na agad ang aking naramdaman, dahil isa akong bagong lipat na mag-aaral, wala pa akong kakilala kahit sino man sa kanila, kung ano ba ang mga pag-uugali na meron sila at panibagong guro nanaman ang aking haharapin. Kayraming tanong na pamapasok sa isipan, makakaya kaya na sila'y pakisamahan, makakasundo't tanggap ba nila ako na kabilang sa kanilang paaralan, hindi ko pa man sila nakikita't nakikilala ay agad ko nang pinanguhanan na umabot sa punto na gusto ko na lang ulit bumabalik sa dati kong eskwelahan.
Pagpaso pa lang sa gate ng paaralang aking papasukan ay iba't ibang emosyon na ang aking naramdaman, hanggang sa ako ay makarating sa pinto ng aming magiging silid-aralan, hindi pa rin nawala ang kabang naramdaman noong una pa. Nakakapanibago at hindi mapakali yan ang unang napansin ko sa sarili ko, kaliwa't kanang pagpapakila na kahit nanginginig ang bibig at nan lalamig ang kamay ay kinaya ko. Hindi rin nawala ang mga mata na nakatingin sa akin na hindi mabasa kung ano ang kani-kanilang iniisip.
Pero hindi nagtagal ako na ay nasanay, nakasundo ang mga kaklase, naging komportable at nagkaroon ng panagibagong mga kaibagan. Nawala ang kaba sa dibdib at nagkamali sa inisip. Naranasan ang hindi pa nagagawa, pag assign ng reporter sa bawat subject, pag dula-duluan sa harap ng buong klase, hindi rin nagpahuli ang pag-awit at pagsayaw sa harap ng madla kahit sobra ng nakakahiya.
Sabi nga lahat ay gagawin maipasa lang ang grado. Kayrami man ang pinapagawa sa GAS pero sulit at kaginhawaan naman ang ibibigay sayo. Oo aaminin ko mahirap maging isang mag-aaral ng GAS, pero hindi ako nagsisisi na ito ang buhay na aking pinili sapagkat dito naging masaya ako, nakilala hindi lang ang ibang tao pati na rin sarili kong pagkatao, nalinang ang kakayahan, at kayraming ko pang natutunan. Noong una ay minaliit ko ito pero ngayon akin ng pinagmamalaki na naging parte ako ng buhay na ito bilang mag-aaral ng GAS.
Nakakahanga maging isang estudyante ng GAS dahil sa kabila ng aming naranasan ay aming nalagpasan at kinaya lahat ng pagsubok na aming pinagdaanan. Ngayon ilang araw nalang ang bibilangin ay matatapos na kami, aakyat sa entablado at kukunin ang pinaghirapan at inupin naming tagumpay sa dalawang taon na naging buhay namin dito. Ito ang buhay na dadalhin ko hanggang dulo, at iingatan kahit saan man ako dalhin ng mundong ito.